Taon-taon po ay nagsasagawa ng Pambansang Seminar ang Leyte Normal University sa pangunguna ng Leyte Normal University-Sentro ng Wika at Kultura (LNU-SWK) at Filipino Yunit. Bahagi ito ng sinumpaang tungkulin ng LNU-SWK sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na tumulong sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Filipino sa rehiyon at sa buong Filipinas simula noong taong 2015 mula elementarya, sekundarya, at tersarya.
Katuwang ng LNU-SWK at Filipino Yunit, isasagawa po ng KWF ang Pambansang Seminar na may temang Reoryentasyon sa Panitikan ngayong darating na 21-23 Hunyo 2019 sa aming unibersidad, Leyte Normal University Gymnasium, Lungsod Tacloban, Leyte.
Nilalayon po ng Pambansang Seminar ang sumusunod: 1.) Matalakay ang a. Panitikan para sa Edukasyon, b. Katangian ng Panitikang Filipino, c. Maka-Filipinong Pananaw: Mga Lapit ng Pagtuturo ng Panitikan gaya ng tula, epiko, prosa, at dula, d. Estado ng Panitikan sa Cordillera, Panitikan ng Cebuano, at Panitikan ng Mindanao; 2.) Magbahagi ng iba pang kaalaman sa pagtuturo ng Panitikang Filipino sa antas elementarya, sekundarya at tersarya.
Dagdag pa rito, ang seminar na ito ay may katumbas na 15 CPD Units na makikita sa https://www.prc.gov.ph/sites/default/files/CPDprogram_TEACHERS-21519.pdf tingnan sa taong 2019 at matatagpuan sa bilang na 2690.
Kaugnay rito, inaanyayahan po namin ang lahat ng pinuno/tagapangulo/supebisor sa Filipino, kaguruan sa elementarya, kaguruan sa sekundarya (nagtuturo ng Filipino, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Araling Panlipunan), kaguruan sa antas tersyarya (nagtuturo ng asignaturang Filipino), at mga nasa Ikaapat na Taon na kumukuha ng Bachelor of Elementary Education (BEED), Bachelor of Secondary Education meyjor ng Filipino (BSED-Filipino), Bachelor in Filipino Language (BAFL) at lahat na may kaugnayan sa pagpapakadalubhasa sa Wika at Panitikang Filipino na maging Kalahok sa naturang pambansang seminar. Ang bayad sa pagdalo ay ang sumusunod:
PARAAN NG PAGBAYAD ANTAS NG DELEGADO
Guro/Kinauukulan Mag-aaral
Sa Araw ng Seminar
Php 2, 800.00
Php 1, 500.00
Bago o sa 01 Hunyo 2019 Php 2, 500.00
Kasama po sa Seminar fee ang Kit at pagkain (2 tanghalian at 5 meryenda) ngunit hindi pa kasama rito ang bayad sa akomodasyon.
Kung magbabayad bago ang 01 Hunyo 2019, maaari pong magbayad diretso sa Cashier ng Leyte Normal University at sasabihin lamang para sa Pambansang Seminar sa Reoryentasyon sa Panitikan o kung sa araw naman ng seminar, 21 Hunyo 2019 magbabayad, hanapin po sa lugar ng pagdarausan ang sekretaryat na naatasan sa pagkolekta ng Registration Fee na may hawak ng opisyal na resibo.
Inaasahan po namin ang inyong pagdalo sa naturang pambansang seminar.
Para sa iba pang mga tanong, makipag-ugnayan lamang kay Dr. Alvin Rom De Mesa, Direktor ng LNU-SWK sa kanyang cellphone # 0928-3364862/09561005712 at email na ar_demesa@ymail.com.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Reoryentasyon sa Panitikan na gaganapin mula sa mga sumusunod na petsa at lugar:
Ang layuning ng pambansang reoryentasyon ay matalakay ang iba’t ibang isyu hinggil sa pagtuturo ng panitikang Filipino na nakatuon sa maka-Filipinong pananaw nito, maipabatid ang iba’t ibang laput sa pagtuturo ng panitikan, at mailahad ang panukalang listahan ng rekomendadong akdang pampanitikan.
Ang mga superbisor at mga guro sa Filipino sa elementarya at sekundarya mula sa pampubliko at pampribadong paaralan ay inaasahang dadalo sa seminar na ito.
Ang partisipasyon ng mga guro at mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ay dapat naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nakasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.